^

Metro

Intsik tumungga ng pesticide

-
Dala ng matinding konsensiya, tinangkang magpakamatay ng isang Intsik na suspect sa pagpatay sa kanyang Japayuking kasintahan nang uminom ito ng pesticide kahapon ng umaga sa Maynila.

Binabantayan ngayon ng pulisya sa Ospital ng Maynila ang suspect na si Wang Ning, 29, may alyas Mark Wang at Kent Huang, negosyante at tubong Thajen, China.

Ayon sa Manila Police District, nagtangkang magpatiwakal ng suspect matapos na madiskubre ang bangkay ng live-in partner nito na si Egyfil Shane Tiu dakong alas-9:30 ng gabi noong Biyernes sa loob ng aparador sa tinutuluyan nito sa 2370 H Tejeron St. Sta. Ana, Maynila.

Nabatid na maglive-in partner ang biktima at suspect hanggang sa maghiwalay dahil sa pagpunta ng una sa Japan. Oktubre 30 ng bumalik sa bansa ang biktima hanggang sa matagpuan ang naaagnas ng bangkay nito.

Ayon sa ina ng biktima na si Teresa Tiu, matinding selos ang dahilan ng pagpatay ng suspect sa kanyang anak. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

EGYFIL SHANE TIU

H TEJERON ST. STA

KENT HUANG

MANILA POLICE DISTRICT

MARK WANG

MAYNILA

TERESA TIU

WANG NING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with