Lalaki nagsaksak sa sarili matapos saksakin ang ka-live-in
November 13, 2005 | 12:00am
Kapwa kritikal ang mag-live-in partner sa isang pagamutan makaraang saksakin ng lalaki ang kanyang kinakasama bago pinagsasaksak ang sarili dahil sa selos, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang sina Noli Funilas, 37, na nagtamo ng tatlong saksak sa katawan at Melanie Caayon, 32, na may dalawang saksak sa sikmura, pawang residente ng Bayabas St., Brgy. Nangka ng lungsod na ito.
Ayon kay PO2 Saniata Rona Malaque ng Women and Childrens Desk ng Marikina Police, dakong alas-10 ng umaga nang magtalo ang magkapareha sa loob ng kanilang bahay dahil sa pagsiselos ng lalaki.
Napag-alaman sa imbestigasyon na sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng patalim si Funilas at dahil sa sobrang galit ay sinaksak ng dalawang beses si Caayon.
Sa pag-aakalang napatay ng una ang kanyang kinakasama ay sinaksak naman nito ng tatlong ulit ang sarili sa tiyan.
Naabutan pa ng mga rumespondeng barangay tanod ang dalawa na kapwa duguan at walang ulirat sa loob ng bahay nito kaya mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended