Chop-chop victim ikinalat sa QC
November 13, 2005 | 12:00am
Muli na namang ikinalat sa lungsod ng Quezon ang isang torso at kaliwang hita ng tao na pinaniniwalaang biktima ng salvage ng magkasunod itong matagpuan, kahapon ng umaga.
Ayon kay Inspector Liza Rillo, ng QC Crime Laboratory, hindi pa malaman kung lalaki o babae ang biktima na natagpuan dakong alas-8:30 ng umaga sa dating garahe ng GASAT Transit sa Mindanao Extension, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Lumilitaw na nagsasagawa ng pag-iinspeksyon si Bernardo Balmes, Monitoring Supervisor ng Environmental Protection and Waste Management Program nang makita nito ang isang itim na garbage bag.
Alas-12:30 naman ng tanghali nang makita sa Payatas dumpsite ang isa pang garbage bag na naglalaman naman ng kaliwang hita.
Walang anumang nakitang tattoo sa katawan at maging sa kaliwang hita ng biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest