^

Metro

3-anyos ginilitan ng ina

-
Nasa kritikal pa ring kondisyon ang isang 3-anyos na bata makaraang gilitan ng kanyang ina na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip, kamakalawa sa Quezon City.

Hanggang sa ngayon ay inoobserbahan pa rin sa East Avenue Medical Center ang batang si Ian Luna na nagtamo ng laslas sa leeg, habang pansamantalang kakalingain ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ina ng paslit na si Boots Paulino-Luna, 27.

Base sa ulat ni Supt. Mario Soriano, hepe ng Kamuning Police Station 10, dakong alas-4 kamakalawa ng hapon ng gilitan ng suspect ang kanyang anak habang kalung-kalong sa may Scout Rallos, Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Nasaksihan ito ng ilan niyang kapitbahay kung saan mabilis na isinugod ang bata sa pagamutan.

Ayon kay Soriano ipasusuri muna nila si Luna upang malaman kung nasa matino itong pag-iisip at saka pa lamang nila mababatid kung pwede itong sampahan ng kaukulang kaso. (Doris Franche)

AYON

BOOTS PAULINO-LUNA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IAN LUNA

KAMUNING POLICE STATION

MARIO SORIANO

NAGKAISANG NAYON

QUEZON CITY

SCOUT RALLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with