PTA members nalason sa yema
November 11, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 20 miyembro ng Parents Teachers Association (PTA) ng Balara High School ang iniulat na nalason nang makakain ng yema mula sa isang bakeshop sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Ayon kay Tess Cadiz, isa sa mga board member nagkaroon ng despedida party ang PTA para sa pag-alis ng principal ng paaralan na si Gng. Victoria Mortel.
Bumili sila ng yema sa Shoppersville Bakeshop sa Katipunan Avenue na ipinakain sa mga miyembro ngunit ilang sandali lamang ay nakaramdam na umano sila ng pagkahilo, pagsusuka at pagtatae. Dinala ang mga biktima sa ibat-ibang pagamutan. Ang nasabing bakeshop ay pag-aari umano ng pamilya Araneta.
Binanggit pa ni Cadiz na agad umano nila itong ipinaalam sa pamunuan ng bakeshop subalit hindi sila hinarap ng supervisor na si Mitz Lozano at sa halip ay sinisisi pa sila nito. Bunga, nito, ipinasya nilang magtungo sa Quezon City Police District-Anonas Station upang magreklamo subalit sinabihan umano sila ng ilang pulis na huwag nang magreklamo dahil sa malaking tao ang kanilang babanggain.
Sa panig naman ng mga doktor sa UP Health Services hindi lamang iisang kaso ng food poisoning ang kanilang nahawakan laban sa naturang bakeshop. Kaugnay nito, pinaiimbestigahan na ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte Jr. ang insidente.
Nais matiyak ng alkalde kung sino ang may pagkukulang at may kasalanan sa insidente. Maging ang mga pulis na hindi umaksyon sa reklamo ng mga guro at mga magulang na biktima ay pinasisiyasat din ng mayor. (Doris Franche at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended