^

Metro

10 pulis ibinalik sa puwesto

-
Isang araw matapos na sibakin, ibinalik na kahapon ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao sa kanilang mga puwesto ang 10 tauhan ng Task Force Limbas ng PNP-Traffic Management Group (TMG) na sangkot sa umano’y shootout sa tatlong hinihinalang carjackers sa Pasig City noong Lunes ng gabi.

Ito’y sa kabila na wala pang resulta ang isinasagawang imbestigasyon ng binuong Special Fact Finding Team sa alegasyon na rubout at hindi shootout ang nangyari sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga suspect.

Sinabi ni Lomibao na inatasan na niya si PNP-TMG director Chief Supt. Augusto Angcanan na agarang ibalik sa puwesto ang sinibak na mga pulis.

Kabilang sa mga pinabalik sa puwesto ay sina Sr. Inspectors Henry Ceron, Hansel Maranta at Samson Belmonte na nasugatan sa insidente; PO3s Lloyd Soria at Rizalino Ramos; PO2s Dexter Bernadas, Jesus Fermin at Sonny Robrigado at PO1s Fernando Gapuz at Josel Rey Lucena.

Sinabi ni Lomibao na made-demoralisado ang PNP-TMG kung agaran silang huhusgahan gayong ginagampanan lamang ng mga ito ang kanilang mga tungkulin.

Ipinagtanggol din ni DILG Secretary Angelo Reyes ang mga operatiba kasabay nang pagsasabing hindi naman maaaring gawing basehan ang videotape ng isang television station dahil hindi naman nito nakunan ang buong pangyayari. Nilinaw din nito na may mga naka-unipormeng pulis sa lugar nang maganap ang insidente dahil ito ay joint operation. Nakita lamang ng video ang mga nakasibilyan na mga pulis na nagsisiyasat matapos ang barilan.

Matatandaan na binatikos ng pamilya ng mga biktima ang ginawang pamamaril ng mga pulis sa pagsasabing rubout at hindi shootout ang naganap.

Nasawi sa insidente ang magkakaibigang sina Bryan Anthony Dulay, Francis Xavier Manzano at Antonio Cu-Unjieng na buhat sa mayayamang pamilya. (Joy Cantos At Doris Franche)

ANTONIO CU-UNJIENG

AUGUSTO ANGCANAN

BRYAN ANTHONY DULAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

DEXTER BERNADAS

FERNANDO GAPUZ

FRANCIS XAVIER MANZANO

HANSEL MARANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with