Most wanted kidnapper patay sa shootout
November 10, 2005 | 12:00am
Isa sa mga most wanted kidnapper sa bansa ang iniulat na nasawi makaraang makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng Presidential Anti Crime Emergency Response (PACER) na tumutugis sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nasawi noon din si Aljon Martinez, ng Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas, Cavite na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa No. 19 A. Balagtas St., Brgy. Pamplona 1, Las Piñas City.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang naturang operatiba laban kay Martinez at base sa kanilang natanggap na impormasyon ito ay nagtatago sa nabanggit na lugar.
Aarestuhin na ng mga pulis ang naturang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Stella Cabuco ng San Pedro Laguna ngunit bigla silang pinaulanan ng putok ng baril.
Nagtangka pa itong tumakas kung kaya gumanti na rin ng pagpapaputok ang mga operatiba.
Si Martinez ay sinasabing pang-pito sa listahan ng most wanted kidnappers sa bansa at may patong na P500,000 sa ulo.
Ito ay miyembro ng Waray-waray gang na responsable sa serye ng kidnapping sa Laguna. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 15, 2025 - 12:00am