Taxi driver nanlaban sa holdap, kinatay

Tadtad ng saksak sa katawan at laslas ang leeg ng isang taxi driver nang matagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead on arrival sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang biktimang si Jhun Serafica, 30, driver ng Shellis Taxi na may plakang PWS-906 at residente ng Katarungan St., Mandaluyong City.

Lumitaw sa imbestigasyon na natagpuan ang biktima dakong alas-4:20 ng madaling araw sa loob ng kanyang taxi na nakaparada sa kahabaan ng Road 13, Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng nanlaban ang biktima sa mga humoldap sa kanya.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspect. (Doris Franche)

Show comments