Ya Chang ipinapa-deport, undesirable alien daw
November 9, 2005 | 12:00am
Hiniling ng isang Pinay sa Bureau of Immigration (BI) na ipatapon palabas ng bansa ang isang Japanese commercial model at television talent dahil sa pagiging "undesirable alien" nito.
Sa reklamong isinampa ng isang nagngangalang Annalyn Nicole Jacob, residente ng Makati City na nais niyang ipaaresto at ipatapon palabas ng bansa si Yasuaki Yamaguchi, alyas Ya Chang.
Ang kahilingan ni Jacob ay bunsod ng umanoy pananakit nito sa kanya noong sila ay nagsasama pa o bilang live-in partner.
Itinatakwil din ni Jacob si Ya Chang dahil sa umanoy pagmumura nito sa mga Pinoy sa tuwing sila ay mag-aaway.
Nagsumite din si Jacob ng kanyang medical certificates kung saan nakita dito na nagkaroon ito ng isang nakahahawang sakit na nakuha nito kay Ya Chang.
Nabatid din na walang special work permit si Ya Chang upang magtrabaho sa bansa.
Si Ya Chang ay commercial model ng isang soy sauce at kasama rin sa television program na Quizon Avenue ng Channel 2 at sa noontime variety show ng IBC-13. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am