Ayon kay DepEd Director Dr. Thelma Santos, ang babala ay nagmula na rin sa Department of Health (DoH) matapos na mangamba ang pamunuan nito sa pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit.
Dahil dito, bumuo na rin ng task force ang DepEd at DoH upang mag-monitor sa mga eskuwelahan para mapangalagaan ang mga estudyante.
Inatasan na rin ni Santos ang mga guro na payuhan ang kani-kanilang mga estudyante na huwag nang mag-alaga ng manok o kahit anumang klase ng ibon para hindi na kumalat ang bird flu sa bansa.
Sa field trips naman ay bawal na rin ang mga estudyante na tumingin sa mga ibon lalo na sa mga migratory birds kahit ito ay nakalagay pa sa hawla subalit sinabi ni Santos na hindi niya ipagbabawal ang mga field trips. (Edwin Balasa)