Shootout: 3 carjacker utas
November 9, 2005 | 12:00am
Tatlong hinihinalang miyembro ng notoryus na carnapping syndicate ang nasawi, habang isang pulis naman ang nasugatan makaraang magpalitan ng putok ang dalawang panig, kamakalawa ng gabi sa Ortigas, Pasig City.
Ayon kay PNP-TMG Officer-in-charge Chief Supt. Augusto Angcanan, dalawa sa mga nasawing suspect ang nakilala sa pamamagitan ng kanilang drivers license na ito ay sina Brian Anthony at Francis Javier Manzano.
Nakilala naman ang nasugatang pulis na si Sr. Inspector Samson Belmonte na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa hita.
Sinabi ni Angcanan na dakong alas-10 ng gabi kamakalawa nang maispatan ng kanyang mga tauhan makaraang i-tip ng isang impormante ang isang kulay maroon na Nissan Exalta na may plakang XDD-828 na sinasakyan ng mga suspect sa kahabaan ng Garnet Road, Ortigas Center sa nabanggit na lungsod.
Pinapara ito ng operatiba para sa berepikasyon, subalit imbes na huminto ay agad umanong pinaulanan ang mga pulis ng mga bala ng baril. Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng pagpapaputok sa mga suspect na ikinasawi ng mga ito.
Narekober sa sasakyan ng mga suspect ang isang 9mm na baril, isang Ingram machine pistol, isang plaka ng sasakyan (XET)-355 at isang sachet ng shabu.
Nabatid pa kay Angcanan na ang operasyon ay bahagi ng pinalakas na kampanya ng PNP-TMG laban sa mga carjackers partikular na sa Metro Manila matapos na tumaas ang ganitong insidente nitong mga nakalipas na buwan.
Sa tala ng PNP-TMG umaabot sa kabuuang 2.5 porsiyento ang mga behikulong ninanakaw sa Metro Manila ngayong taon kung saan karamihan sa mga ito ay naganap sa Quezon City.
Samantala, itinuturing namang pinakapaboritong lugar ng mga carjacker ay ang Commonwealth Avenue, Katipunan Avenue, Gilmore Avenue, Hemady St., Araneta Avenue pawang sa Quezon City, ang Marcos Highway, C5- (Makati City), McArthur Highway (Valenzuela), Quirino Avenue, J.P. Rizal/Taft sa Manila at C-3 sa Malabon. (Joy Cantos at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended