^

Metro

Kuta ng sindikato ng droga sinalakay

-
Sinalakay ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kuta ng ‘Samo Alindog drug syndicate’ kung saan nadakip ang isang miyembro nito at nakumpiska ang matataas na kalibre ng armas, kamakailan sa lalawigan ng Cavite.

Iprinisinta kahapon ni NBI director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si Jericho Tabing, alyas Jerry Tabing ng 37 Anabu 2, Imus, Cavite, habang nakatakas naman ang kasamahan nito na nakilala sa pangalang Lance Ramos.

Sa ulat ng NBI, nakatanggap sila ng impormasyon buhat sa mga asset ukol sa pinagkukutaan ng mga suspect sa may naturang lugar. Nabatid na sangkot ang grupo sa malawakang drug trafficking sa naturang lalawigan at sa Metro Manila.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court nitong Nobyembre 4.

Bigo naman ang mga awtoridad na makumpiska ang inaasahang malaking bulto ng shabu na hindi dumating at sa halip maliit na gramo lamang at mga paraphernalia ang nasamsam.

Gayunman, nasamsam din sa suspect ang matataas na kalibre na armas tulad ng dalawang machine gun, 2 M-14 rifle, isang baby armalite, isang 9mm rifle, isang cal. 22 rifle, isang shotgun, isang cal. 7mm rifle at iba’t ibang bala. (Danilo Garcia)

CAVITE

DANILO GARCIA

JERICHO TABING

JERRY TABING

LANCE RAMOS

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO WYCOCO

SAMO ALINDOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with