Day Care centers prayoridad ni SB
November 7, 2005 | 12:00am
Nananatiling prayoridad ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang pagsasaayos ng mga day care center upang hindi malayo ang estado ng kanilang pag-aaral sa mga mayayamang pamilya.
Ayon kay Belmonte, dapat na panatilihing mataas ang kalidad ng edukasyon sa mga public school upang maranasan nila ang modernong sistema ng mga itinuturo sa mga private school.
Lumilitaw sa report ni Teresa Mariano, hepe ng Social Service Development Department na umaabot na sa 229 ang day care center na naitayo sa apat na distrito ng lungsod kung saan tinatayang nasa 29,299 pre-schoolers ang nag-aaral.
Idinagdag naman ni Belmonte na sa tulong na rin ng ilang mga negosyante ay madadagdagan pa ang mga day care centers sa lungsod upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga batang may matataas na pangarap sa buhay. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended