^

Metro

ID system sa anti-drug drive, suportado ng Muslim sa QC

-
Suportado ng Muslim leaders sa Quezon City ang pagpapatupad ng ID system ng city government kaugnay sa pagmamanman ng mga iligal na gawain partikular ang mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa ginanap na pagpupulong ng QC Anti-Drug Abuse Council na pinangunahan ni Vice Mayor Herbert Bautista, Muslim Consultative Council at ilang local leaders, umaasa silang matutukoy sa pamamagitan ng ID system ang mga grupong nagsasagawa ng iligal na operasyon. Ito din ang magiging daan upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.

Kasabay nito, sinabi ng mga Muslim na kinokondena din nila ang pagkakasangkot sa sindikato ng kanilang mga kapwa Muslim.

Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, hindi naman nila pinipili ang kanilang mga hinuhuli. Aniya, nagkakataon lamang umano na ang mga grupo na kanilang minamanmanan ay kinasasangkutan ng mga Muslim at hindi nangangahulugan na pinag-iinitan ito ng mga pulis.

Bukod kina Bautista at Radovan ang pulong ay dinaluhan din nina PDEA Director IV Ansary Alonto at QCDAC Executive Director Aldrin Cuña. (Doris Franche)

ANSARY ALONTO

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

DRUG ABUSE COUNCIL

EXECUTIVE DIRECTOR ALDRIN CU

MUSLIM CONSULTATIVE COUNCIL

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with