Umawat sa amok: Lalaki utas
November 7, 2005 | 12:00am
Patay ang isang lalaki matapos itong umawat sa mag-aamang nag-aamok na ikinasugat pa ng malubha ng dalawang iba pa kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Naval General Hospital ang biktimang si Jose Baterna, 45 ng Sitio Kaunlaran, Brgy. Western Bicutan, Taguig City habang inoobserbahan naman sa naturan ding ospital si July Jacobo, 30 at sa Ospital ng Maynila naman si Jerry Catinoy, 26.
Mabilis namang nakatakas ang mga suspect na nakilalang si Lito Puddao, mga anak nitong sina Bryan at Erwin at kaanak na nakilala lamang sa pangalang Bebot.
Sa report na tinanggap ni Supt. Ramon Reyes, hepe ng Taguig City Police naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi sa Sitio Kaunlaran.
Armado ng jungle bolo ang mga suspect at nag-aamok nang sugurin sina Catinoy at Jacobo na kanilang kapitbahay.
Nakita naman ni Baterna ang ginagawang pananaga ng apat sa dalawang biktima kung kayat umawat ito. Subalit ito naman ang pinagbalingan ng mga suspect na tagain at saka mabilis na tumakas.
Isang malawakang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest