^

Metro

Sa pagpaslang sa brgy. capt., mga kagawad iimbestigahan

- Rose Tamayo-Tesoro -
Isasalang sa masusing imbestigasyon ang mga kawagad ng barangay dahil sa pagkakapaslang sa kanilang barangay chairman ng limang hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ayon kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation and Detective Management Bureau at hepe ng Task Force Cabral, ipatatawag nila ang mga kagawad ng Brgy. 180 upang siyasatin sa pagpatay kay Brgy. Capt. Felicisimo Cabral, 67.

Si Cabral ay pinatay sa loob ng kanyang bakuran sa Blk.1, Lot 2 Victoria Heights Subdivision, Caloocan City habang nagto-tonghits dakong alas-11:45 ng gabi noong Biyernes.

Nasugatan naman ang kalaro ni Cabral na si Leo Conde, 39 at kasalukuyang nagpapagaling sa East Avenue Medical Center.

Nilinaw ni Cuaton na hindi mga suspect ang mga kagawad na kanilang iimbitahan kundi magbibigay linaw lamang sa kanilang imbestigasyon.

Si Cabral ay pinagbabaril ng limang hindi pa nakikilalang suspect na armado ng .45 caliber at 9mm pistol.

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FELICISIMO CABRAL

LEO CONDE

NAPOLEON CUATON

SI CABRAL

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BUREAU

TASK FORCE CABRAL

VICTORIA HEIGHTS SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with