Brgy. captain niratrat patay
November 6, 2005 | 12:00am
Isang barangay captain ang pinagbabaril at napatay ng limang hindi nakikilalang mga lalaki na pinaniniwalaang mga hired killers, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Felicisimo Cabral Jr., 67, chairman ng Barangay 180, Zone 16, District 1, ng nabanggit na lungsod at naninirahan sa Block 1, Lot 2, Victoria Heights Subdivision.
Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center ang kasama nitong si Leo Conde, 39, ng Lot 18, Kamuning St., Amparo Subdivision, Brgy. 179, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa bakanteng lote sa likod ng bahay ni Cabral.
Nabatid na naglalaro ng tong-its ang mga biktima kasama ang isa pang lalaki sa nasabing lugar nang makaramdam ng gutom ang nasawi.
Tumayo si Cabral upang magpunta sa kanilang kusina subalit nakakailang hakbang pa lamang ito nang biglang sumulpot ang mga suspect at agad na pinagbabaril ang una.
Tinamaan din sa pamamaril si Conde.
Narekober ng pulisya sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang 22 basyo ng kalibre.45 at .9mm na baril.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang habang patuloy namang sinisiyasat ang insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended