^

Metro

Taxi driver nanlaban sa holdap, ginilitan

-
Hindi na umabot ng kanyang kaarawan ang isang taxi driver matapos masawi nang gilitan ng leeg at saksakin ng dalawang holdaper matapos na manlaban ang una habang hinoholdap ng mga huli, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng gilit sa leeg at saksak sa katawan si Fernando Jamito, 48, ng Cleopas St., Seminary Road, Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Arestado naman sina Danilo Bohol, 21; at Erwin Maing, 21, kapwa ng 653 Moriones Compound, Juan Luna St., Tondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng North Diversion Road ng nasabing lungsod.

Nabatid na naisakay ng biktima sa pinapasadang Alkotby taxi (TWZ-694) ang mga suspect at pagsapit sa nabanggit na lugar ay agad na tinutukan ng patalim ng mga huli ang driver. Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima at agad na sinipa sa dibdib si Bohol na nakasakay sa unahan na naging dahilan upang magkagulo hanggang sa magawang magilitan sa leeg ang driver ni Maing na nakasakay sa likuran.

Hindi pa nasiyahan ay pinagsasaksak pa ng mga suspect ang biktima at bago tumakas ay kinuha ang pera ng driver.

Ilang bystander sa nabanggit na lugar ang nakakita sa pangyayari at agad na hinabol ang dalawang suspect na nang maabutan ay agad na pinagbubugbog bago dinala sa himpilan ng pulisya sina Bohol at Maing. Nabatid na magdiriwang ang biktima ng kanyang kaarawan ngayong araw na ito. (Rose Tamayo)

BOHOL

CALOOCAN CITY

CLEOPAS ST.

DANILO BOHOL

ERWIN MAING

FERNANDO JAMITO

JUAN LUNA ST.

MORIONES COMPOUND

NABATID

NORTH DIVERSION ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with