^

Metro

Trabaho naghihintay para sa mga out-of-school youth

-
Mabibigyan na ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho ang mga out of school youth sa Malabon City sa inilunsad na programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagbisita nito, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Sa panayam kay Malabon City Mayor Canuto Oreta. mahigit sa 100 out of school youth ang nakatakdang i-empleyo ng pamahalaan para tumulong sa konstruksyon ng mga daan at iba pang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi pa ni Oreta na mahigpit umanong ipinagbilin ng Pangulo sa pag-uusap nila kahapon na bigyan ng prayoridad ang mga kabataan upang hindi na mapariwara ang mga ito na masangkot sa mga bisyo at kriminalidad.

Nabatid na isasailalim rin sa pagsasanay o scholarship na may kaukulang sahod ang mga nasabing kabataan sa engineering works at kapag may mga local o foreign investors na mangangailangan ng mga manggagawa ay prayoridad ang mga ito kapag nakapagtapos na sila sa kanilang pagsasanay.

Napag-alaman pa na kahit pa man ang mga kabataang dati ng nasangkot sa mga kaso ay pwedeng sumali sa nasabing programa upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagbagong buhay at manumbalik na rin ang tiwala sa kanilang sarili.

Ayon naman kay Malabon City Police Chief, Supt. Moises Guevarra na malaki ang maitutulong ng naturang programa sa pagpapanatili ng kapayapaan ng lungsod dahil imbes na sumali sa masasamang elemento ang mga kabataan ay magiging busy ang mga ito sa matinong pagkakakitaan na ibibigay sa kanila ng pamahalaan. (Rose Tamayo)

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MABIBIGYAN

MALABON CITY

MALABON CITY MAYOR CANUTO ORETA

MALABON CITY POLICE CHIEF

MOISES GUEVARRA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with