^

Metro

LTO nagbabala sa mga pekeng commemorative plates ng SEA games

-
Nagbanta kahapon si Land Transportation Office (LTO) chief Anneli Lontoc laban sa sindikato na nagbebenta ng mga pekeng commemorative plates para sa pagdaraos ng ika-23 taong palaro ng Sea Games sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Lontoc, upang maiwasang mabiktima ng sindikato, ang sinumang indibiduwal na nais na magkaroon ng Sea Games Commemorative plates ay kailangang makipag-ugnayan sa Philippine Sports Organizing Committee (Philsoc).

"Wala silang ibang pupuntahan at kakausapin kundi ang Philsoc kung gusto nilang magkaroon ng commemorative plates ng Sea games", pahayag ni Lontoc.

May halagang P1,200 ang isang Sea games commemorative plates. Sa ngayon ay may 5,000 katao ang naisyuhan ng naturang plaka.

Napag-alaman na ang kita sa nabanggit na proyekto ay gagamitin ng Philsoc para pondohan ang iba pa nitong mga proyekto bago matapos ang taong kasalukuyan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANNELI LONTOC

AYON

CRUZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LONTOC

PHILIPPINE SPORTS ORGANIZING COMMITTEE

PHILSOC

SEA GAMES

SEA GAMES COMMEMORATIVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with