^

Metro

Taxi driver hinoldap na, ginilitan pa

-
Hinoldap na, ginilitan pa ng leeg at pinagsasaksak ang isang taxi driver ng hindi pa nakikilalang holdaper, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Patay na nang matagpuan sa likod na bahagi ng kanyang minamanehong taxi ang biktima na nakilalang si Rogelio Batore, 50, ng Fairview, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng minamaneho nitong Spear Taxi na may plakang TWM-784 habang nakaparada sa kahabaan ng Reparo St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

May palagay ang pulisya na posibleng nanlaban ang biktima sa mga suspect nang puwersahang kunin ang magdamag nitong kita.

Hindi naman nagawang makuha ng mga holdaper ang pera ng biktima na umaabot sa halagang P1,100 na kakalagay sa bulsa ng polo shirt na suot nito.

Tanging nakuha ng mga holdaper ay ang pitaka ng biktima. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BATAY

BRGY

FAIRVIEW

HINOLDAP

MALABON CITY

QUEZON CITY

REPARO ST.

ROGELIO BATORE

ROSE TAMAYO

SPEAR TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with