^

Metro

Driver niratrat, patay

-
Posibleng pinaghigantihan ang isang driver ng dump truck makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin, habang sugatan naman ang isang sekyu kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Joel Pangilinan, 38, sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Inoobserbahan naman sa naturang pagamutan ang security guard na nakilala lamang sa apelyidong Conjurado dahil din sa tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng IPM Compound sa Brgy. Payatas-A, Quezon City kung saan kapwa nagtatrabaho ang dalawang biktima.

Bigla na lamang umanong dumating ang dalawang di pa nakikilalang lalaki na armado ng baril at nagtanong kung sino ang driver ng truck ng basura na agad namang sinagot ni Pangilinan na siya.

Bigla na lamang bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at saka pinagbabaril ang biktima hanggang sa paputukan din nito ang sasaklolo sanang sekyu.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na posibleng may kinalaman ang pamamaslang sa pagkamatay ng isang 11-anyos na paslit na nasagasaan ng dump truck na pag-aari ng IPM na isang kontratista sa paghahakot ng basura. Gayunman, patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BIGLA

BRGY

CONJURADO

CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GAYUNMAN

IDINEKLARANG

JOEL PANGILINAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with