Hijacker timbog sa NAIA
November 3, 2005 | 12:00am
Isang Taiwanese national na hinihinalang hijacker ang nahuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bitbit nitong mga baril at bala.
Sa ulat ni Supt. Francisco Pablo Balagtas, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) kay Chief Supt. Andres Caro III, director ng PNP-Aviation Security Group, ang hinihinalang hijacker na nakilalang si Ping Weng Ching, 41, pasahero sa Eva Air flight BR 272 papuntang Estados Unidos via Taipei, Taiwan.
Aalis sana si Ching dakong alas-11:45 kahapon ng umaga nang mapansin ng X-ray operator ang ilang hugis baril sa loob ng isang itim na trolley bag habang dumadaan ito sa X-ray machine scanner.
Aktong lalaban pa si Ching nang pinabuksan sa kanya ang kanyang bagahe pero wala itong nagawa nang palibutan ng mga pulis sa nasabing lugar.
Sinabi ng source na malamang na may anim pang kasamahan si Ching dahil sa may baril na nakuha sa kanyang bagahe.
Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad kay Ching.
Ayaw namang magsalita at nagmamatigas si Ching habang kinakausap ng PNP sa paliparan at inaalam kung sinu-sino ang kanyang mga kasama.
Nasamsam dito ang ibat ibang uri ng baril na kinabibilangan ng dalawang pirasong Beretta cal. 25 pistol; dalawang Phoneix cal. 25 pistol, isang cal.25 Astra at isang cal. 45 Springdfield.
Sabi ng source, hindi marahil inakala ni Ching na mahigpit ang ipinatutupad na security measures sa NAIA.
Gayunman, puspusang inaalam ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang mga lugar na pinuntahan ni Ching. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am