^

Metro

4-anyos pisak sa jeep

-
Humabol sa araw ng Undas ang isang 4-anyos na batang babae matapos maatrasan at magulungan ng isang pampasaherong jeep hanggang sa mamatay habang mag-isang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Taguig City. Nasawi noon din ang biktimang nakilalang si Christine May Vines, residente ng Block 168, Taal St., Palar Village, Western Bicutan, ng nasabing lungsod. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng jeep na si Dennis Agong, 22, binata, residente ng Lot 9 Emerald St., Group 18 Zone 12, Pembo, Makati City. Base sa report ni PO2 Jerizaldo Gaoaen ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa Taal St. sa nabanggit na lugar. Nabatid na minamaneho ng suspect ang kanyang jeep na may plakang TWE-501 nang maatrasan at magulungan nito ang biktima na noo’y mag-isang naglalaro sa kalsada. Inakala naman ng driver na isang matigas na kahoy lamang ang nagulungan ng kanyang jeep kung kaya’t nagpatuloy ito sa pag-atras sa nasabing sasakyan. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHRISTINE MAY VINES

DENNIS AGONG

EMERALD ST.

JERIZALDO GAOAEN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

PALAR VILLAGE

TAAL ST.

TAGUIG CITY

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with