Sa ulat na nakarating kay Supt. Alfred S. Paje, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Office, kinilala ang mga nasugatan na pawang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) na sina Mario Galang, 59, driver ng Toyota Lite Ace (TPE-413); Lhinder Busbos, 28, driver ng Fuso Canter van (WEV-112); Jefferson de Leon, 26, ng Bagbag, Novaliches; Ryan Castro, 21, ng Molave Subd., Marikina City; Allan Lacson, 28, ng Vergara Compound, Marikina City; Roderick Dimaano, 27, ng Proj. 8, Quezon City; Jerome Barcial, 29, ng Ipil St., Marikina City; Joel Rebua, 34, ng Calumpang, Marikina City; Rosemarie Resueldo, 27, ng Ipil St., Marikina City; at Rosemarie Pagunsan, 19, ng Old Balara,Quezon City.
Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng mga sugat, galos at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa imbestigasyon ng Traffic Sector 3, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang sakuna sa tapat ng Cast U Less Hardware sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Cubao.
Galing umano sa Ortigas Avenue ang Canter van na minamaneho ni Busbos at pagsapit sa E. Rodriguez Ave., dahil sa bilis ng takbo nito, bigla na lamang nawalan ng preno kung saan sinalpok ang Lite Ace van bago bumaligtad sa tapat ng naturang warehouse.
Bunga nito, pawang nasugatan ang sampung biktima na nakasakay sa dalawang nagsalpukang van.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente. (Angie dela Cruz)