Empleyado natusta sa kuryente
October 31, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang empleyado ng isang advertising company matapos makuryente habang nagkakabit ng mga ilaw sa mga advertisement boards sa labas ng isang shopping mall, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Dead-on-arrival sa Medical City sanhi ng lakas ng boltaheng pumasok sa katawan nito ang biktimang kinilalang si Michael Baguio, ng MelMark Advertising Comp. at residente ng Berbosos, Meycauayan Bulacan.
Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa labas ng SM Megamall Bldg. A sa kahabaan ng Edsa.
Nabatid na tinatapos ng biktima ang ginagawa nitong pagpapalit ng mga floodlights ng ilang mga advertisement boards sa nabanggit na shopping mall nang bigla na lamang itong makuryente.
Sa lakas ng pagpasok ng kuryente sa katawan ng biktima ay nahulog ito at bumitin sa 40ft-taas ng mall kayat di tuluyang bumagsak sa lupa.
Agad namang nadala ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended