^

Metro

Lider ng ‘Sigue-Sigue Commando’ todas

-
Agad na nasawi ang isang pinaniniwalaang lider ng kilabot na grupo ng ‘Sigue-Sigue Commando’ makaraang pagbabarilin ito ng mga miyembro ng kalabang grupo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa katawan ang biktima na si Jesus Pedrosa, 43-anyos at residente ng ACO Homes, Phase 9, Bagong Silang, nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya sa mga suspect na kinilalang sina Dick Tejada, kapatid nitong si Mark at isang Danny Hustler na pawang mga residente ng Phase 3, Bagong Silang, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa mga suspect at nang malasing ay ipinakita ng una sa mga suspect ang kanyang tattoo ng ‘Sigue-Sigue Commando’ at sinabing lider siya ng naturang grupo.

Agad namang bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang biktima bago mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Sinasabing mahigpit na kalaban ng mga suspect ang grupo ng biktima at nang malaman ng mga ito na lider ang biktima ng kanilang kalabang grupo ay agad nila itong pinatay. (Rose Tamayo)

BAGONG SILANG

BATAY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

DANNY HUSTLER

DICK TEJADA

JESUS PEDROSA

ROSE TAMAYO

SIGUE-SIGUE COMMANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with