Richard Gomez nakikipag-areglo sa BIR
October 28, 2005 | 12:00am
Nakikipag-areglo umano ang aktor na si Richard Gomez at ang talent manager nito na si Douglas Quijano hinggil sa kasong tax evasion laban sa una na isinulong ng Department of Justice (DOJ).
Sa isang pahinang liham na ipinadala ni Justice Secretary Raul Gonzalez kay BIR Commissioner Jose Mario Bunag, sinabi nito na pag-aralan ng huli ang kahilingan ng kampo nina Gomez at Quijano para sa "settlement" ng kanilang kaso.
Ayon pa sa Kalihim dapat tingnan din ng BIR kung maaaring pagbigyan ang kahilingan ng dalawa dahil wala na sa DOJ ang kaso ng mga ito at ang BIR na ang may hurisdiksyon dito.
Hiniling din ng Kalihim kay Bunag na bigyan siya ng detalye o impormasyon kung ano ang magiging aksyon nito sa kahilingan ng dalawang personalidad.
Magugunita na sinampahan ng kasong apat na bilang ng tax evasion si Gomez sa Pasig City Metropolitan Trial Court dahil sa hindi nito pagbabayad ng income tax.
Base sa rekord ng DOJ, tanging documentary stamp tax na nagkakahalaga ng P786,975 ang binayaran ni Gomez sa BIR noong Nobyembre 6, 2003 matapos na bumili ng property sa Forbes Park na nagkakahalaga ng P52 milyon. (Grace Amargo dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended