Ex-vice mayor ng Makati, huli sa checkpoint
October 27, 2005 | 12:00am
Inaresto ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) ang isang dating Bise-Alkalde ng Makati City matapos na tumanggi umanong magpa-inspeksyon ng kanyang sasakyan at pagmumurahin ang mga pulis sa isang checkpoint, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Kinilala ni SPO1 Angelito Guiang ng MPD-Mobile Patrol unit ang dating bise alkalde na si Bobby Brillantes, 58, ng #9805 Kamagong St., Makati City, na dinala nila sa istasyon matapos ang insidente sa checkpoint sa may Singalong St. at Pres. Quirino Avenue sa Malate.
Sinabi ni Guiang na pinara nila ang kotseng Mitsubishi (RAU-129) na minamaneho ni Brillantes sa ginawa nilang checkpont sa naturang lugar. Tumanggi umano ito sa inspeksiyon at nagpakilalang opisyal ng Department of Trade and Industry.
Ayon pa sa mga pulis, pinagsisigawan at pinagmumura pa sila ni Brillantes na nauwi sa pagtatalo. Inimbitahan naman nila ang dating lokal na opisyal sa istasyon at kusa naman itong sumama.
Matapos ang ilang oras, malayang nakalabas din naman si Brillantes sa loob ng MPD-General Assignment Section matapos na magkapatawaran sila ni Guiang.
Itinanggi naman ni Brillantes ang akusasyon ng mga pulis sa umanoy pagmumura niya sa mga ito at hindi pagpapasailalim sa inspeksiyon sa kanyang sasakyan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest