Daboy nanggulpi, nanutok at namalo ng baril
October 27, 2005 | 12:00am
Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang action star na si Rudy Fernandez makaraang gulpihin, tutukan at paluin ng baril ang isang consultant sa loob ng opisina ng Viva Entertainment sa Ortigas Center, Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktimang si Robert "Robby" Tarroza, 34, binata, consultant ng Artist Imaging at residente ng Unit 3534 Mega Plaza Condominium, Ortigas ng lungsod na ito ay nagsampa ng kasong grave threat at serious physical injuries laban kay Fernandez at isa pang hindi nakikilalang lalaki sa himpilan ng Eastern Police District (EPD) Annex matapos na bugbugin, paluin at tutukan umano siya nito ng baril.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa opisina ng VIVA Entertainment na matatagpuan sa 7th floor ng Textite East Tower, Ortigas ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman kay Tarroza na kasalukuyang nakikipag-usap siya sa isang talent manager na nakilalang si Zenaida Reyes nang dumating si Fernandez kasama ang isa pang lalaki at tinanong kung sino si Robby Tarroza. Nang sumagot ang biktima na siya ang hinahanap ay bigla na lang pinagsusuntok ito ni Fernandez at hindi pa nakuntento kinuha pa nito ang kalibre .45 baril sa beywang at itinutok sa ulo ni Tarroza at sa kabila ng pagmamakaawa nito subalit imbes na maawa ay hinampas pa ito ni Fernandez ng baril sa ulo. Sumasabay pa umano ng bugbog ang alalay na kasama nito.
Naawat lamang ang galit ni Fernandez nang pigilian ito ng mga sekyu ng nasabing opisina at mabilis na umalis sa lugar kasama ang alalay.
Napag-alaman pa kay Tarroza na nag-ugat ang nasabing insidente matapos na sisihin siya ni Fernandez na siya umano ang dahilan kung bakit sila idineport sa Japan pabalik sa Pilipinas kasama ang pamilya Fernandez, Alma Moreno at Gerald Madrid. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am