Bading natakot sa kaso, nagbigti
October 26, 2005 | 12:00am
Minabuti pa ng isang bakla na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kaysa makulong sa kinakaharap na kaso, kahapon ng tanghali sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan ng kanyang kapatid ang nakabitin na katawan ni Jerry Tamio, 50, beautician, ng East Libis, Sta. Quiteria, ng nasabing lungsod.
Base sa isinagawang imbestigation ni PO3 Feliciano Almojuela Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-11 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito.
Gumamit ang biktima ng isang electrical cord na itinali sa leeg nito bago ipinulupot sa biga ng kisame ng kuwarto na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan.
Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Leo sa mga awtoridad, bago ang insidente ay nakausap niya ang nasawi at sinabi nito sa kanya na natatakot itong makulong dahil may kinakaharap na kasong unjust vexation na isinampa ng isang kapitbahay ng mga ito.
Sinabi pa ni Leo, pinaalalahanan niya ang kapatid na mababa lamang ang kasong isinampa dito ngunit takot na takot pa rin ang nasawi hanggang sa gawin nito ang pagpapakamatay kahapon.
Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended