Ex-con kritikal sa kaaway
October 24, 2005 | 12:00am
Isang 25-anyos na ex-convict ang agaw-buhay makaraang barilin ito sa leeg ng kanyang kagalit dahil sa matagal na nitong atraso, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Nilalapatan ng lunas sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Joven Contreras, nakatira sa #1177 Santol St., Brgy. CAA ng lungsod na ito sanhi ng dalawang tama ng bala buhat sa kalibre .38 baril.
Kaagad namang tumakas ang suspect na si Ronald Evangelista, 25, isang construction worker, taga-Del-Nor Side, Brgy. Talon Uno, Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa panulukan ng Santol at Avocado Sts., Brgy. CAA, ng naturang siyudad.
Nabatid na may matagal nang atraso ang biktima sa suspect na hindi naman nabanggit ang dahilan.
Inabangan ng suspect ang biktima at nang kanya itong matiyempuhan ay walang sabi-sabing binaril ng ilang ulit.
Mabilis na isinugod ang biktima ng rumespondeng mga tanod sa nabanggit na pagamutan.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am