^

Metro

Guro nanakit ng estudyante, inireklamo

-
Isang high school teacher ang inireklamo sa pulisya makaraang gulpihin nito ang isang estudyante dahil tinitingnan lamang siya nito habang nagtuturo kahapon sa Makati City.

Nahaharap sa kasong slight physical injuries in relation to Republic Act 7610, child abuse ang suspect na si Emmanuel Valenzuela, Pilipino teacher sa Ilang-Ilang Bangkal High School, na matatagpuan sa Gen. Malvar St., Brgy. Bangkal ng lungsod na ito.

Samantala, kinilala ang biktimang si April Joy Diaz, 12, 1st year high school sa nabanggit na paaralan at nakatira sa #2042 M. Reyes St., ng naturang barangay.

Sa reklamo ng biktima na ipinarating sa Women and Children’s Protection Desk, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa loob ng Room 24, Section 4, Ilang-Ilang Bangkal High School.

Habang nakaupo ang biktima sa loob ng naturang room kasama ang ilang mga kaklase nito, sa kaharap naman na kuwarto ay nagtuturo ang suspect. Kung saan nakatingin ang biktima at ilang kaeskuwela nito.

Naasar ang nasabing teacher kung kaya’t nilapitan nito ang biktima hanggang sa kinompronta nito kung bakit siya tinitingnan.

Hindi pa nakuntento ang suspect, pinaghahampas ang bata sa balikat, dahilan upang magsumbong ito sa mga magulang na nagreklamo sa pulisya sa nasabing teacher. (Lordeth Bonilla)

APRIL JOY DIAZ

EMMANUEL VALENZUELA

ILANG-ILANG BANGKAL HIGH SCHOOL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MALVAR ST.

PROTECTION DESK

REPUBLIC ACT

REYES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with