^

Metro

Raliyista bigo, hindi nakatapak sa Mendiola

-
Hindi nagtagumpay ang libu-libong mga raliyista na makatuntong sa Mendiola matapos na salubungin at harangan sila ng libu-libo ring tauhan ng pulisya at militar.

Mula sa Quezon City, tumulak ang mga raliyista patungo sa Maynila at tinangkang magsagawa ng programa sa Mendiola. Lumikha ito ng masikip na trapiko.

Pagdating sa UST ay nakipagnegosasyon na ang mga opisyal ng pulisya sa mga lider ng raliyista na dumiretso sila sa Plaza Miranda o sa Liwasang Bonifacio dahil sa mga lugar na ito sila binigyan ng permiso para magrali.

Kunsumido na rin si Manila Mayor Lito Atienza sa mga raliyista matapos na hindi sumunod ang mga ito sa itinakdang lugar na maaari nilang pagdausan ng kilos protesta at nagpilit pa ring pumasok sa Mendiola kaya na naman nagkaroon ng kaunting kaguluhan at pagkakasakitan.

Ayon kay Atienza, naninindigan pa rin siya na huwag magpalabas ng permit sa pagrarali sa Mendiola. Mananatiling ‘no rally zone’ ang Mendiola, ito ay sa dahilang maraming mga paaralan malapit sa Mendiola ang humiling sa kanila na huwag nang payagan ang mga rali dito.

Madalas umanong maapektuhan ang mga pag-aaral ng mga estudyante sa naturang lugar sa tuwing may rali.

Nag-ugat ang kaguluhan ng magpilit ang mga raliyista na biglang kumambiyo sa Morayta at nagtangkang pumasok sa Mendiola, gayung malinaw sa isinagawang pag-uusap ng mga lider raliyista at ng mga opisyal ng pulis na papayagan silang makapagrali sa Plaza Miranda at sa Liwasang Bonifacio.

Makaraang paraanin ang mga ito sa may UST ay biglang kumabig pakaliwa sa Morayta ang mga raliyista at hindi dumiretso papunta sa Plaza Miranda.

Dahil dito, muli silang hinarang ng mga pulis. Nagkatulukan at umulan ng bato buhat sa hanay ng mga raliyista ang nasaksihan. Tinatayang anim na pulis ang nasugatan sa naganap na kaguluhan.

Nakilala ang mga nasugatang pulis na sina PO3 Merriam Evangelista, PO3 Maria Garcia Valderes, PO3 Alvini Moreno, PO3 Maria Theresa Solidarios, PO2 Joger Gonzaga at PO1 Allan Baesa.

Pinakamalubha si Baesa, miyembro ng SAF na nagtamo ng malaking biyak sa ulo nang hampasin umano ng kahoy sa bandila ng isa sa mga raliyista.

Agad na binigyan ng spot promotions ang mga sugatang pulis mismo ni Pangulong Arroyo. Nakarating hanggang sa may Recto sa tapat sa tapat ng UE ang mga nagrarali na doon sila nagsagawa ng kanilang programa.

Dakong alas-4:30 ng hapon ay kusang naghiwa-hiwalay na ang mga raliyista pero nagbantang muli silang magsasagawa ng mga ganitong kilos protesta.

Todo-bantay naman ang ginawa sa Malacanang. (Joy Cantos, Danilo Garcia, Gemma Amargo Garcia at Lordeth Bonilla)

ALLAN BAESA

ALVINI MORENO

DANILO GARCIA

GEMMA AMARGO GARCIA

JOGER GONZAGA

LIWASANG BONIFACIO

MENDIOLA

PLAZA MIRANDA

RALIYISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with