2 infiltrators ginulpi ng raliyista
October 22, 2005 | 12:00am
Dalawang sundalo kabilang ang isang Marine Sgt. na kasapi sa AFP-National Capital Region Command (NCRC) ang bugbog-sarado matapos kuyugin ng galit na galit na mga raliyista nang maaktuhang nagsasagawa ng surveillance operations may dalang baril sa rally site sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ang bugbog-saradong mga sundalo na sina Marine Sgt. Fernando Alcantara, intelligence operative ng AFP-NCRC at isang nagpakilalang ahente ng Intelligence Service ng AFP na si ret. Army 2nd Lt. Eliseo Madrid. Tumanggi naman ang ISAFP na kumpirmahin kung tauhan nila si Madrid at kung ano ang status nito sa nasabing tanggapan.
Binanggit naman ni AFP-NCRC spokesman Capt. Ramon Zagala II na nagsabing magsasampa sila ng kaso laban sa grupo ng mga raliyista na responsable sa panggugulpi sa kanilang intelligence operative.
"Sinabi ni Alcantara na 100 metro ang layo niya sa lugar ng rali, wala siyang nilabag na anumang batas, at ang presensiya niya doon ay bahagi ng kanilang mandate sa dahilang seguridad," pahayag ni Zagala.
Binanggit pa ni Zagala na hindi infiltrator si Alcantara kundi bahagi ito ng kanyang trabaho at pagsubaybay sa seguridad sa rali.
Sa tindi ng tinamong bugbog, nagkapunit-punit ang damit ni Alcantara.
Nabatid naman na dakong alas-9 ng gabi ng mapansin ng rally marshal na may nakasukbit na baril si Madrid habang kumukuha ng larawan sa mga demonstrador na nagsasagawa ng programa sa harapan ng DAR. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended