4 na obrero sugatan sa bumagsak na scaffolding
October 21, 2005 | 12:00am
Sugatan ang apat na construction worker nang bumagsak ang kanilang kinalululanang scaffolding, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon sa pulisya, ginagamot ngayon sa Quirino Labor Hospital ang mga biktimang sina Paul Rafanan, Marlon Macaros, Junnel Rosalita at Allan Corones.
Nagtamo ang mga ito ng mga pasa at sugat sa katawan bunga ng malakas na pagkakabagsak.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga nang biglang bumagsak ang H-beam na nasa 5th floor ng ginagawang gusali sa East Parkview sa Libis, Quezon City ng Erickson Milleniem Erectors.
Inaalam pa ng pulisya kung lumuwag ang pagkakakabit ng scaffolding o bumigay ito sa bigat ng apat.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest