^

Metro

4 na bagets timbog sa holdap

-
Arestado ang apat na kalalakihan na kinabibilangan ng tatlong menor de edad makaraang bugbugin bago kunin ang pera at cellphone ng kanilang nabiktima, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang isa sa mga suspects na si Lamberto Muriel, 18, na umano’y lider ng grupo kasama ang tatlo pa na nasa edad na 15 hanggang 17-anyos, pawang residente ng M.H del Pilar Brgy. Parang ng nasabing lungsod.

Ang mga ito ay kakasuhan ng robbery with physical injury matapos na holdapin at bugbugin ang biktimang si Efren Santos, 24, ng Batasan Heights, Quezon City na ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Shell St., sa kanto ng Tandang Sora, Brgy. Parang ng lungsod habang naglalakad ang biktima papunta sa bahay ng kanyang nobya.

Biglang sumulpot ang mga suspects na armado ng bato at kahoy na may pako sa dulo at pinaghahataw ang biktima bago kinuha ang cellphone at P1,000 cash ng huli.

Nang makuha ang pakay ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspect, subalit agad din silang nahabol ng mga awtoridad. (Edwin Balasa)

ARESTADO

BATASAN HEIGHTS

EDWIN BALASA

EFREN SANTOS

LAMBERTO MURIEL

MARIKINA CITY

PILAR BRGY

QUEZON CITY

SHELL ST.

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with