^

Metro

2 paslit lunod sa creek

-
Pinaniniwalaang namatay sa pagkalunod ang dalawang batang lalaki, habang nakaligtas naman ang isa pa nilang kaibigan makaraang abutan ang mga ito ng pagtaas ng tubig sa ilalim ng isang creek habang nangunguha ng plastic, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng retrieval operation sa kahabaan ng ilog na sakop ng Mandaluyong at San Juan para sa pagkuha sa bangkay ng biktimang si Mark Anthony Verdandino, 11, grade V pupil, habang ang mga labi ng isa pang biktima na si John Ray Manatag, 10, grade IV, ay narekober na kahapon sa may Arroceros pumping station sa Manila.

Sinuwerte namang nakaligtas subalit kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Mandaluyong Medical Center dahil sa dami ng nainom na tubig-baha ang kasama nilang si Adrian Taghoy, 9.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon habang malakas ang buhos ng ulan ay nagkayayaang manguha ng plastic para ibenta ang magkakaibigan sa creek ng Maytunas na matatagpuan sa kahabaan ng Shaw Boulevard, Hagdang Bato Libis, ng nasabing lungsod.

Habang abala sa pangunguha ng mga plastic ay hindi napansin ng mga ito ang biglaang pagtaas ng tubig hanggang abutan sila nito at tangayin ng malakas na agos. Tuluyang tinangay sina Verdandino at Manatag, habang nakakapit naman sa drainage si Taghoy at nasaklolohan ng mga dumaang residente subalit nakainom ito ng maraming tubig baha kaya isinugod sa pagamutan at doon inoobserbahan. (Edwin Balasa)

ADRIAN TAGHOY

ARROCEROS

EDWIN BALASA

HAGDANG BATO LIBIS

JOHN RAY MANATAG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

MARK ANTHONY VERDANDINO

SAN JUAN

SHAW BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with