^

Metro

Aircon van sa mga preso

-
Mas magiging madali at maayos para sa mga preso ang kanilang pagtungo sa korte sa mga susunod na araw ng pagdinig sa kanilang mga kaso.

Ito’y matapos na mag-donate ang Hessed Vessel Foundation ng isang airconditioned prisoner’s-bus type vehicle sa QC Jail na pinamumunuan ni Supt. Ignacio Panti.

Ayon kay Panti, maituturing na biyaya ang van dahil kulang sila sa sasakyan na panghatid sa mga presong may hearing mula Lunes hanggang Biyernes. Aniya, ginagawa ng QCJ na maisakatuparan ang mga hinaing ng mga preso sa abot ng kanilang makakaya upang maiwasan naman ang anumang karahasan.

Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) director Chief Supt. Armando Llamasares na ginagawa ng BJMP ang pagbibigay ng respeto at karapatang pantao sa mga inmate. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

ARMANDO LLAMASARES

AYON

BIYERNES

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

HESSED VESSEL FOUNDATION

IGNACIO PANTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with