^

Metro

Nursing student patay sa holdap

-
Pinagbabaril at napatay ang isang 18-anyos na junior nursing student ng University of Sto Tomas (UST) makaraang manlaban sa dalawang holdaper na humoldap sa kanila sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Jeff Marty Langyapon ng 847-C Ibarra St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ginagamot din sa nabanggit na ospital ang girlfriend nitong si Hervika Pestano, 20, estudyante rin sa naturang unibersidad at residente ng 67 Gold St. SSS Village, Marikina City matapos na ma-shock sanhi ng nasaksihang insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa dalawang suspect na armado ng mga baril na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa may kanto ng Lacson at Florentino St.

Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay kalalabas lamang ng magkasintahan sa paaralan matapos ang kanilang final examination. Nagpasya muna ang mga ito na mamasyal sa SM San Lazaro at makalipas ang ilang sandali ay bumalik na sa tapat ng UST at doon naghintay ng masasakyan.

Bigla umanong nilapitan ang mag-syota ng dalawang suspect na nagdeklara ng holdap.

Hiningi ng mga ito ang lahat ng kagamitan ng dalawa. Unang nagbigay si Pestano, subalit pumalag naman ang lalaki kung kaya walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect tangay ang kagamitan ng magkasintahan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

C IBARRA ST.

FLORENTINO ST.

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOLD ST.

HERVIKA PESTANO

JEFF MARTY LANGYAPON

MARIKINA CITY

MAYNILA

SAN LAZARO

UNIVERSITY OF STO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with