^

Metro

CA Justice biktima ng karnap

-
Mistulang sinusubok ng mga pinaghihinalaang big-time carnapping syndicate ang batas matapos muling umatake nang karnapin ang mamahaling behikulo na inisyu ng gobyerno sa isang justice ng Court of Appeals sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Personal na dumulog kahapon ng umaga sa PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) sa Camp Crame ang biktimang kinilalang si CA Justice Ruben Reyes.

Sa salaysay ng biktima, nabatid na ang insidente ay naganap sa may Pascual St., Brgy. Baesa, Quezon City, dakong alas-7:45 ng gabi.

Sinabi ng biktima na kasalukuyan siyang bumabagtas sa nasabing lugar lulan ng maroon CRV red plate SGS-259 nang tutukan ng baril ng dalawang armadong suspect.

Walang nagawa ang biktima nang puwersahang tangayin ng mga suspect ang nasabing behikulo.

Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAESA

BRGY

CAMP CRAME

COURT OF APPEALS

JOY CANTOS

JUSTICE RUBEN REYES

MISTULANG

PASCUAL ST.

QUEZON CITY

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with