11 tauhan ng TF Hunter timbog sa kotong
October 14, 2005 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng NBI ang 11 tauhan ng nabuwag na Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force o Task Force Hunter sa isinagawang entrapment operation makaraang mahuli sa aktong kinokotongan ang isang negosyante, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Hindi inilalabas ng NBI ang pangalan ng mga nadakip kung saan walo umano sa mga ito ay mga aktibong pulis.
Sa impormasyong nakalap, nabatid na nagsagawa ng operation ang Intelligence Service Operations Division at Special Task Force ng NBI matapos na humingi sa kanila ng tulong ang negosyanteng si Jon Hernandez ukol sa ginagawang pangongotong sa kanya ng mga suspect na pawang mga tauhan ni dating P/Capt. Reynaldo Jaylo.
Nabatid na nagkasundo sina Hernandez at ang grupo ng TF Hunter na magkita sa loob ng isang fastfood sa Shangrila Plaza Mall sa may EDSA, Mandaluyong ngunit lumipat sila sa Marikit Restaurant sa may Metrowalk sa Ortigas, Pasig na doon pumuwesto na rin ang mga ahente ng NBI.
Dahil sa dami ng mga suspect na pawang armado ng baril, humingi ng tulong ang NBI sa Eastern Police District na rumesponde rin sa naturang restaurant.
Agad umanong dinakip ang mga suspect sa aktong tinatanggap ang pera sa biktima. Hindi naman pumalag pa ang mga ito at sumuko.
Matatandaan na matagal nang binuwag ang TF Hunter dahil sa tambak na mga kaso ng pang-aabuso ng mga tauhan nito.
Gayunman, nananatili pa rin namang director ng DOLE si Jaylo, pero tinanggalan na ito ng police power upang magsagawa ng operasyon laban sa mga illegal recruiter ngunit patuloy pa rin umano ang mga tauhan nito sa panghuhuli sa katwirang citizens arrest ang kanilang isinasagawa. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest