Tensyon sa demolisyon sa C-5 tumindi
October 13, 2005 | 12:00am
Matinding pagsisikip sa trapiko ang idinulot ng isinasagawang demolisyon ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bahagi ng Circumferential Road 5 (C-5) sa Taguig City, kahapon ng umaga.
Itoy makaraang magsunog ng mga gulong at magbarikada ang mga residenteng apektado sa demolisyon. Bukod dito hinarangan din nila ng malalaking bato ang southbound lane ng C-5 mula sa Commando Bridge hanggang sa Heritage Memorial Cemetery sa Western Bicutan at hanggang sa Pasig City ay dama ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko na nagmistulang parking lot ang apektadong highway sanhi ng trapiko.
Sa kabila naman ng ipinakitang matinding galit ng mga residente hindi nagpasindak ang mga tauhan ng MMDA at kanilang itinuloy ang demolisyon.
Tumindi ang tensyon sa pagitan ng MMDA clearing operatives at homeowners association na sinasabing mga aktibo at retiradong enlisted personnel ng AFP matapos na umanoy sagasaan ng MMDA at labagin ng mga ito ang kanilang karapatang pantao sa isinagawang road widening sa C-5 road.
Nagsimula ang pagsunog ng mga gulong dakong alas-4 ng madaling araw.
Sa panig ng MMDA, wala silang nilabag na batas sa pagpapatupad ng tungkulin at pagsasaayos sa daloy ng trapino sa lansangan.
Binanggit pa ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na inabisuhan nila ang mga apektadong residente bago isagawa ang pagdedemolis sa mga bahay at ilang establisimento na umookupa sa sidewalk. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am