^

Metro

Mga alagad ng simbahan, hindi sasantuhin ng CPR

-
Hindi rin patatawarin ng pulisya ang mga alagad ng Simbahang Katoliko at hindi makakalusot sa pagpapatupad nila ng CPR (calibrated pre-emptive response) kung patuloy na sasama ang mga ito sa mga kilos-protesta na walang sapat na "permit to rally" sa lungsod ng Maynila.

Ito ang naging babala ni Manila Police District Director Pedro Bulaong kaugnay ng mga paglahok ng mga pari at ilang taong-simbahan sa mga kilos-protesta na nananawagan sa pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Bulaong na hindi nila bibigyan ng espesyal na pagtrato ang mga pari, madre at mga miyembro ng mga religious organization na sumasama sa mga kilos-protesta kapag nagpilit na pumasok sa Mendiola na itinakda nang "no rally zone".

Mapipilitan ding buwagin ang hanay at arestuhin ang mga taong simbahan kapag nanlaban sa mga anti-riot police sa bisa na rin ng CPR.

Maaari naman umanong magdaos ng rally ang mga ito kung sa itinakdang "freedom park" nila idaraos tulad ng Luneta, Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda.

Nauna nang nagpahayag ng intensyon ang tinatawag na "silent majority" ng Simbahang Katoliko sa paglahok sa mga kilos-protesta upang ipakita sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi sila sunud-sunuran sa pamahalaan. Kabilang sa mga personalidad ng simbahan na aktibo sa mga kilos-protesta ay sina Fr. Jose Dizon at running priest Fr. Robert Reyes. (Danilo Garcia)

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

JOSE DIZON

LIWASANG BONIFACIO

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR PEDRO BULAONG

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PLAZA MIRANDA

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with