^

Metro

‘Bading’ patay kay ‘Papa’

-
Isang umano’y bading ang iniulat na nasawi makaraang pagsasaksakin ng isang hindi nakikilalang lalaki na kasama nitong namamasyal sa gilid ng Manila Bay, kahapon ng umaga sa Port Area, Manila.

Halos lumawit ang bituka bunga ng mga saksak na tinamo sa katawan ng biktimang si Ronald Pacer, ng Recto Avenue, Sta. Cruz.

Patuloy namang kinikilala at pinaghahanap ang tumakas na suspect na tinatayang nasa gulang na 30-anyos, maiksi ang buhok.

Sa ulat ng Manila Police District, naganap ang pananaksak dakong alas-8 ng umaga sa may Gasangan, Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang biktima na naglalakad kasama ang suspect sa may batuhan sa gilid ng Manila Bay. Nakita nila na biglang nagtalo ang dalawa at saksakin ng suspect ang biktima bago mabilis na tumakas.

May teorya ang pulisya na posibleng bayarang lalaki ang suspect at hindi nagkasundo sa halaga na ibabayad ng biktima sa serbisyong ibinigay nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BASECO COMPOUND

CRUZ

DANILO GARCIA

GASANGAN

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT

PORT AREA

RECTO AVENUE

RONALD PACER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with