100 establisimyento, bahay giniba
October 10, 2005 | 12:00am
Mahigit isang daang kabahayan at establisimyento ang giniba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos okupahan ng mga ito ang sidewalk na sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko at aksidente sa southbound lane ng C-5 Road sa Taguig City.
Ayon sa demolition team ng MMDA, matagal na umanong inabisuhan ang mga sagabal sa kalsada subalit naging makulit ang mga naninirahan sa sidewalk at roadway hanggang sa tamaan sila ng "operation baklas" na ipinatutupad ng clearing sidewalk operations group.
Nabatid kay MMDA General Manager Robert C. Nacianceno, ang clearing operation sa Palar Village, Barangay Western Bicutan ay pangalawa nang isinagawa matapos magbalikan ang dati nang mga inalis na istorbo sa motorista at pedestrian.
Napag-alaman sa nasabing opisyal na klasipikadong matatawag na "professional squatters" ang mga naninirahan sa sidewalk ng C-5 Road dahil matapos makipag-bargain na aalis ay muling bumabalik para sa kanilang mga negosyo katulad ng vulcanizing at car wash shops, beauty parlors, videoke bars at sari-sari stores na nakaposisyon mismo sa sidewalk portion ng kalsada.
Aniya, ang pag-aalis ng mga ito ay hindi lamang pagsunod sa ipinaiiral kundi pagbibigay proteksiyon sa kanilang buhay. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended