Dalagita, dinukot sa QC
October 10, 2005 | 12:00am
Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga tauhan ng QCPD-Sangandaan Police Station laban sa isang 42-anyos na lalaki nang tangayin nito ang isang dalagita kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. inatasan na niya si Supt. George Dadulo, hepe ng Sangandaan Police upang mahanap si Zaldy Lomibao, isang FX driver ng no. 402 Real Village, Brgy. Tandang Sora na umanoy dumukot sa biktimang itinago sa pangalang Len at malaman ang motibo ng pagdukot.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Joseph Marayag naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa Tandang Sora kung saan bigla na lamang umanong isinakay ng suspect ang biktima sa isang puting Toyota FX na may plakang PXJ-402.
Nabatid na inabangan kahapon ng umaga ng suspect ang biktima ng lumabas ng bahay.
Lumilitaw na si Lomibao ay una nang sinampahan ng kasong rape ng biktima noong Abril at tinakot ang pamilya nito upang iurong ang demanda laban sa kanya.
Subalit nanindigan ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso hanggang sa ipasya naman ng suspect na isagawa ang pagdukot bilang ganti. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am