^

Metro

Jailbreak sa NBP: 4 preso patay

- , Angie dela Cruz -
Apat na preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang napatay at isang guwardiya naman ang nasugatan sa naganap na jailbreak kahapon ng umaga sa Maximum Compound sa Muntinlupa.

Ayon kay Fr. Roberto Olaguer, NBP chaplain, nakilala ang mga napatay na sina Edgar Macarce, sintensiyado sa kasong highway robbery with homicide; Rolando Paraiso, homicide at Julio Delaritos, Jr., robbery in bond at robbery with homicide. Sumuko naman si Job Damaso na dating pulis at nahatulan sa kasong kidnap for ransom at illegal detention.

Subalit nang-agaw umano ito ng armas kaya pinaputukan at namatay din.

Ginagamot naman sa Muntinlupa City Medical ang Prison Guard na si Alfredo Divaras, 41. Nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa building 14 ng maximum compound habang magpapakain ng almusal sa mga preso.

Binuksan ng isa sa mga prison guard ang selda ng apat na preso at isa dito ang mabilis na nang-agaw ng baril ng guwardiya at mabilis na nagsitakas.

Nakalabas ng compound ang apat na preso hanggang sa magkaroon ng habulan na umabot sa Pag-asa Resettlement Area sa Victoria Homes, Brgy. Tunasan, Muntinlupa.

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang tatlo at sumuko naman si Damaso na napatay din.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

ALFREDO DIVARAS

EDGAR MACARCE

JOB DAMASO

JULIO DELARITOS

MAXIMUM COMPOUND

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY MEDICAL

NEW BILIBID PRISON

PRISON GUARD

RESETTLEMENT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with