^

Metro

Mag-ama patay sa mga hijacker

-
Magkahiwalay na natagpuan na tadtad ng saksak, nakabusal ang mga bunganga ang isang mag-ama matapos na biktimahin ng hindi kilalang mga hijackers ang kanilang sasakyan na kargado ng bigas, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Alexander Roque, Sr., tinatayang nasa pagitan ng 40-45 anyos at anak ng una na si Alexander, Jr., na tinatayang nasa 20-23 anyos, kapwa residente ng Maestranza Compound, Intramuros.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:25 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Dalaga St., Tondo, Maynila.

Nabatid na unang natagpuan ng isang Rolly de Guzman ang matandang Roque na pawang nakatali ang mga kamay at paa ng huli, may busal na t-shirt ang kanyang bunganga at may mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Habang isinusugod ni de Guzman ang matanda sa Tondo Medical Center ay naihayag pa ng biktima sa una ang pangyayari at driver umano siya ng isang truck na kargado ng bigas na hinarang ng tatlong kalalakihan sa Tondo, Maynila.

Dakong alas-4:40 ng madaling-araw nang ideklara ng mga manggagamot na patay na ang matandang Roque.

Dakong alas-5:30 naman ng umaga nang matagpuan ang batang Roque na wala ng buhay sa harapan ng isang bahay sa #2152-2141 Kaunlaran malapit sa Honorio Lopez Sts., Maynila. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

ALEXANDER ROQUE

BATAY

DAKONG

DALAGA ST.

GEMMA AMARGO GARCIA

GUZMAN

HONORIO LOPEZ STS

MAESTRANZA COMPOUND

MAYNILA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with