^

Metro

2,500 high-end cellphones nasabat sa NAIA

-
Naglunsad kahapon ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa isang "lady exporter" na umano’y nasa likod ng bigong pagpuslit palabas ng bansa ng may 2,500 high-end cellular phones na naunang ideneklarang mga electronic goods patungong Singapore.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay Bureau of Customs-NAIA District Collector Ricardo Belmonte, ang ‘hot cargo’ na tumitimbang ng 457 kilos ay ipinadala ng JGA Trading at naka-consigned sa Raduga PTE Ltd. sa ilalim ng Airway Bill No. 618-1425.

Nakatakda na sanang isakay sa Singapore Airlines flight SQ-073, dakong alas-11:30 kamakalawa papuntang Lion City ang kargamento nang pigilan ito ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na mailabas ng bansa.

Ayon kay Senior Officer 1 Victor Asuncion, team leader ng CIIS na nakatalaga sa Pair Cargo International warehouse, nakatanggap sila ng ‘tip’ na ang mga kahon ay hindi naglalaman ng mga electronic goods kundi mga high-end cellphones na taliwas sa ideneklara ng shipper nitong JGA Trading.

Sa isinagawang follow-up operations, napag-alaman na isang lady broker ang pinaniniwalaang "mastermind" sa likod ng tangkang pagpuslit.

Napag-alaman rin na hindi ito ang una at pangalawang pagkakataon na ang nasabing suspect na pansamantalang hindi pinapabanggit ang pangalan ang nasa likod ng nasabing ilegal na transaksiyon.

Ang mga nakumpiskang shipment ay kaagad na dinala sa BoC Collectors Corral para sa safekeeping makaraang magpalabas ng seizure and detention order si Belmonte. (Butch Quejada)

AIRWAY BILL NO

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COLLECTORS CORRAL

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

DISTRICT COLLECTOR RICARDO BELMONTE

LION CITY

PAIR CARGO INTERNATIONAL

SENIOR OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with